Pages

Thursday, April 8, 2010

ANG BAT CAVE

Lahat ng lalake dapat may bat cave. Hindi si Batman ang nagpauso nyan kundi ang mga cave men. Sila ang mga idol na lalake na nagsimula ng secret cave phenomenon, matatawag din ito na secret hideout.

Dito nakalagay ang mga personal nating kagamitan. Maaari itong isang kwarto, garahe, kotse, banyo, opisina, bahay ng kaibigan, tindahan ng kapitbahay, pangalawang bahay o sariling condo.

Bakit ba kelangang may ganito ang mga lalake?

Dapat bawal galawin ng mga babae ang kahit anong nilalaman ng bat cave ng mga lalake. Pero syempre, bihira naman ang ganung klaseng babae. Kaya naman dapat sinisikreto nating mga lalake na may batcave tayo.

Yan, kaya naman dahil wala akong totoong batcave sa ngayon, dahil wala kaming pera. Ituturing muna naming batcave itong blog na ito.

2 comments:

  1. bat cave! meron din ako nyan dati! wag na wag kang matutulog kasama ng mga barkada mong may tama pag nasa batcave kayo, paggising mo malamang puro sulat na ng pentel pen mukha mo! wag na wag ka ring magkakamaling uminom ng kahit anong nasa bote sa loob ng bat cave unless mauna muna yung may-ari nito, dahil malamang, ihi ang laman nun!

    ReplyDelete
  2. Dati meron kaming iniinuman sa may dapitan, ang tawag namin "batcave!" Medyo mainit dito, pero ang sarap ng chicharong bulaklak at ang mura ng red horse. Madalas dito kami dumidiretso pagkatapos ng klase, at madalas dito rin ang jamming (music ah!) habang nag-iinuman..Hehe bigla kong namiss ang college life. Oo nga pala, kadalasan puro lalake lang kame sa batcave na to

    ReplyDelete