Pages

Tuesday, April 13, 2010

KARTADA DIYES TO UNO DEFINED

10 – eto yung mga sobrang ganda, wala ka nang hahanapin pa, mukha, katawan pati singit sama mo na rin. The ultimate dream girl.

9 – halos kartada diyes na to, nabawasan lang ng isang paligo pero beautiful pa ring matatawag.

8 – eto yung mga chick na matatawag nating pretty, pwede ring super pretty pero hindi beautiful

7 – mga girl next door ‘to, tipong hindi mo agad napansin pero nung tinitigan mo, shet cute pala sya!

6 – parang syete din, pero mas matagal bago mo napansin, usually nung biglang nag-iba manamit, o bigla mong nabosohan at nasilip mo na…uy shet PWEDE!

5 – eto yung tipong kabarkada mo, nakakasama mo lagi, tapos isang gabi, nagkainuman at lasingan kayo, at dun mo nakita na, uy! Pwede na!

4 – eto yung tipong napupunta sa mga sidekick, pwede rin naming hanggang singko sa kanila, eto rin yung tipong chik na sidekick ng mas magandang chik.

3 – medyo bagsak na talaga ‘to, pwera na lang kung hipon sya.

2 – eto na yung mga tipong pumapantay na sa lalake, o nagiging tibo na lang, kasi wala na talagang halos papatol dito. (exemption lang yung mga tibong kartada sais pataas)

1 - saksakan na 'to... saksakin mo nako dahil saksakan talaga 'to ng pangit!

Maraming maaaring ma-offend sa mga nasusulat dito, pero eto ang totoo, lahat ng lalake, pag nakakita ng babae, dalawa agad ang iniisip nito, kung anong score nya dito, at kung singko pataas ang score eh kung papaano sya makaka-score dito.

Thursday, April 8, 2010

ANG BAT CAVE

Lahat ng lalake dapat may bat cave. Hindi si Batman ang nagpauso nyan kundi ang mga cave men. Sila ang mga idol na lalake na nagsimula ng secret cave phenomenon, matatawag din ito na secret hideout.

Dito nakalagay ang mga personal nating kagamitan. Maaari itong isang kwarto, garahe, kotse, banyo, opisina, bahay ng kaibigan, tindahan ng kapitbahay, pangalawang bahay o sariling condo.

Bakit ba kelangang may ganito ang mga lalake?

Dapat bawal galawin ng mga babae ang kahit anong nilalaman ng bat cave ng mga lalake. Pero syempre, bihira naman ang ganung klaseng babae. Kaya naman dapat sinisikreto nating mga lalake na may batcave tayo.

Yan, kaya naman dahil wala akong totoong batcave sa ngayon, dahil wala kaming pera. Ituturing muna naming batcave itong blog na ito.